Sumusunod na lang ang aking paa
sa tawiran na papunta sa inyo
ngunit, para bang nabura na rin ito.
Kung liligawan ka nang tapat at tunay,
kailangan kong tawirin ang kongkreto.
At nang kinaya ko nang tahakin ang daloy ng daan,
ang hantungan ko ay isa pa ring laban.
Sa dami ng iyong manliligaw
na may mga rosas, tsokoleyt, at magagarang damit,
papayat na naman ang wallet ko para lang makipagsabayan.
Ang kaparangan na ating dating munting sikreto,
napapalibutan na ng mall, trapik, billboard, at resto.
Mga dambuhalang gusali na nang-aakit,
na dahil convenient, affordable, at mainit,
dito rin ang ending.
Pati ang katahimikan ay may bayad.
Ang lowkey date nati’y napunta sa Starbucks,
kung saan binebenta ang ginhawa sa presyong Venti.
Kahit gaano man ito ka-artipisyal,
Umaasa paring maging totoo tayo kapag tumagal.
Art by Maiddyleen Nicole Gopez
Baka sa susunod na buwan na lang ulit tayo magtagpo,
O ‘di kaya’y sa bahay mo na lang dadayo.
Dahil saka ko lang napagtanto,
na kung mamahalin kita,
kailangan ko munang umire ng ginto.
Comments