Paraluman
- thesworduppolsci
- Jun 7
- 1 min read

balagtasan ng tambalan
tingin sa tingin, luha sa luha
sanay naman nang magbigkas ng mga linya,
ngunit ba’t mga tuhod ko’y tila nanghihina?
lukot na ang manuskrito sa kaliwa kong bulsa;
wala namang salita do’ng kayang ibunyag mga nadarama
“i’ll never get it right,” sabi mo pa.
“but you did.” noong araw na nakilala kita
daplis ng dalawang kamay
pag-iisa ng ating –
“cut! ulit nga!”
– at sumalubong nga saki’y sampal ng tunay na buhay
(tayo ay palapit nang palapit nang palayo nang palayo)
(kahit madla’y tatalikuran para lang sa isa pang sulyap sa ‘yo)
sa liwanag ng mala-buwang ilaw
mga damdamin nati’y naglalaro’t sumasayaw
kinakabisa dapat, takbo ng bawat eksena
subalit tanging tumatatak, ganda mong nakahahalina
dito sa entablado malaya akong magpakatotoo:
isang alagad ng sining, isang bilanggo ng ngiti mo
sapat na sa ‘kin ang mundo nating imbento–
ikaw ang pinakamatamis na pagkukunwari ko
Comentários