top of page
  • Writer's pictureJohn Rovic Catangay

Talambuhay ng Nakalilipad

Updated: May 28

Paano ko

ihahatid, ipaparating, ipamimigay, ibabalandra

ang payapa?


Sa mga panahong

galit, dalamhati, takot, pagtitiis, 

ang tanging may puwang


Kung sana’y kahit

minsan, panandalian, saglit, pansamantala

,may kalapati rin ang mga kalapati


Hindi na sana ako magtatangkang

umalagwa, umalpas, tumakas, lumisan

sa magulong katotohanan


Art by Maiddyleen Nicole Gopez

Comments


bottom of page